Tiniyak ng Misamis Occidental Provincial Police Office ang hiwalay at impartial na pagsisiyasat hinggil sa nangyaring pagkamatay ni dating Ozamis City Councilo Ricardo “Ardot” Parojinog.
Ayon kay P/Col. Danildo Tumanda, kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Ozamis City Police nang makitang wala nang buhay si Ardot sa kaniyang selda kaninang umaga.
Dahil wala na itong ipinakikitang pagtugon sa bawat ginagawang procedure sa kaniya, dinala na ito agad sa pinakamalapit na pagamutan.
Batay sa pagsusuri ng isang doktor mula sa city health office, lumabas na cardio pulmonary arrest secondary to cardio vascular disease ang naging sanhi ng pagkamatay ni Ardot.
Kasalukuyang nililitis si Ardot sa Ozamis City Regional Trial Court kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at paglabag sa anti pilferage law.