Binulabog ng bomb threat ang Ateneo de Davao University kahapon, dahilan upang makansela ang klase doon.
Ayon sa ulat, batay sa bantang natanggap ng unibersidad, target ng pag-atake ang Jacinto Campus kung nasaan ang mga high school, college, post graduate at Law shool students ng Ateneo de Davao.
Agad namang pinalabas ang lahat ng estudyante, faculty at non-teaching staff ng paaralan matapos ang insidente.
Gayunman, nagnegatibo sa bomba ang unibersidad matapos ang pagsusuri ng mga tauhan ng Task Force Davao Explosive and Ordinance Division.
Ang Ateneo de Davao ay ilang metro lamang ang layo sa Davao City night market kung saan naganap ang pagsabog noong Setyembre 2016 na ikinasawi ng 14 katao.
—-