Kinansela ng Kalibo Municipal Government sa Aklan ang Ati-Atihan Bazaar at Ati-Atihan Food Festival ngayong taon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Maaalalang hindi sumang-ayon ang Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) sa pagsasagawa ng mga aktibidad kaugnay sa Ati-Atihan Festival lalo’t tiyak daragsain ito ng mga tao.
Iminungkahi naman ni RIATF Chairperson Juan Jovian Ingeneiro na magsagawa na lang muna ng online celebration.
Una nang inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan na walang magaganap na Sadsad o Street Parade na bahagi ng pagdiriwang ngayong taon dahil pa rin sa pandemya.
Karaniwang ipinagdiriwang ang Ati-atihan Festival tuwing ikatlong linggo ng Enero bilang pasasalamat kay Santo Niño. —sa panulat ni Mara Valle