Pinaburan ng Korte Suprema ang Ati Tribe sa pag angkin sa 2.1 ektaryang lupain sa Boracay Island, Aklan.
Sa desisyon ng kataas taasang korte, nagkaroon ng pagkakamali ang private claimant nang maghain ito ng kanselasyon ng orihinal na certificate of title at certificate of ancestral domain na iniisyu ng National Commission on Indigenous Peoples sa Regional Trial Court sa halip na sa Court of Appeals.
Sinabi pa ng korte na lumalabas na ang inihahaing kaso ng complainant ay bumubuhay sa natalo nang apela na hindi na mababaliktad pa.
Taong 2010 nang mabigyan ng certificate of ancestral domain title ang Ati Tribe ngunit makalipas ang isang taon ay pinakakansela na ito ng mag asawang Gregorio at Ma. Lourdes Sanson sa RTC.
Bagamat may kwestiyon sa jurisdiction ng kaso ay dinesisyunan pa rin ito ng RTC kaya naman iniakyat pa ito sa Court of Appeal hanggang sa Supreme Court.