Nakalasap ng unang pagkatalo ang defending champion na Cleveland Cavaliers sa kamay ng Atlanta hawks sa nagpapatuloy na NBA preseason games.
Ito ay makaraang payukuin ng Hawks ang Cavs sa iskor na 99-93.
Pinangunahan ng sentrong si Dwight Howard ang panalo ng Hawks makaraang kumana ito ng 26 na puntos at walong rebounds.
Sinegundahan naman ito ni Thabo Sefolosha na nakapag-ambag naman ng 12 puntos.
Malaking kawalan naman para sa Cavs na wala ang kanilang star players na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.
By: Ralph Obina