Nagpaalam na si Atty. Aileen Lizada bilang Spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Bago mag-alas-11:00 ng umaga, nag-mensahe sa Viber group ng mga reporters na nag-co-cover ng LTFRB si Lizada na idirekta na kay LTFRB Chairman Martin Delgra ang lahat ng kanilang mga katanungan.
Walang ibinigay na dahilan si Lizada maliban sa lubos na pasasalamat nito sa media na aktibong kalahok sa kanilang Viber group at sumasama sa kanilang mga operasyon.
Maliban sa pagiging spokesperson, miyembro rin ng Board of Directors ng LTFRB si Lizada.
—-