Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Atty. Ernesto Perez bilang bagong director general ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Pinalitan ni Perez si Atty. Jeremiah Belgica.
Nagpasalamat naman si Perez sa tiwalang ibinigay sa kanya ng punong ehekutibo upang pamunuan ang ahensya at sisikapin aniya nito ba maisakatuparan ang nais ng pangulo na mapahusay pa ang proseso sa mga transaksyon sa government agencies.
Nangako rin ito na pagbubutihin ang pagpapatupad ng Ease of Doing Business para sa ekonomiya, gayundin sa publiko.
Si Perez ay naging Deputy Director General for Operations ng ARTA noong 2019 at nagsilbing Officer-In-Charge mula noong June 2022.