Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang political adviser nitong si Atty. Francis Tolentino para umupo bilang emisaryo ng pamahalaan.
Ito’y kaugnay sa ginagawang hakbang ng national government para ayudahan ang mga residenteng apektado ng pag-alburuto ng bulkang Mayon sa Albay.
Ginawa ng Pangulo ang nasabing hakbang matapos kuwesyunin ni Albay Governor Al Francis Bichara ang anito’y mabagal na pagkilos ng pamahalaan para tulungan ang kaniyang nasasakupan.
Kasunod nito, sinabi ng Pangulo na tiwala siya sa kakayahan ni Tolentino na isinilang at lumaki sa naturang lalawigan.
—-