Tiwala ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mababalewala lamang ang kasong graft and corruption na binabalak isampa ni Atty. Larry Gadon laban sa Punong Mahistrado.
Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno, tiyak na wala namang basehan ang karagdagang kaso na planong isampa ni Gadon laban kay sereno.
Dagdag pa niya, mapapatunayan ding inaabuso lamang ni Gadon ang mga legal na proseso.
Giit pa ni Deinla, malamang ay napagtanto na ni Gadon na mahina ang nauna nitong inihaing impeachment complaint laban kay Sereno na kasalukuyang dinidinig ng House Justice Committee.