Sinampahan ng reklamong impeachment sa kamara si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Isang Edwin Cordevilla, Secretary General ng Filipino League of Advocates for Good Government, ang tumatayong complainant kasama ang abogado niyang si Atty. Larry Gadon.
Batay sa 40-pahinang reklamo, kabilang sa ground sa isinampang impeachment complaint laban kay Leonen ay culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.
Ayon kay Gadon, hindi Statement of Asset Liabilities and Networth (SALN) ang reklamo laban kay Leonen kundi ang nabibinbing pagresolba nito ng mga kasong hinahawakan niya.
Sa ilalim ng impeachment rules, kailangang mayroong kongresistang mag-endorso ng impeachment complaint bago madala sa committee on rules ng kamara para maisalang sa unang pagbasa at mai-refer sa Committee on Justice.
Sa Committee on Justice diringgin ang impeachment complaint kung saan maghaharap ng testigo at ebidensya ang complainant at respondent.
Kapag napatunayang guilty sa komite, iaakyat ito sa plenaryo para aprubahan bago naman dadalhin sa senado na tatayong impeachment court.