Opisyal ng umupo bilang Presidential Spokesman si Atty. Harry Roque makaraang manumpa sa Malacañang, kahapon.
Kasamang nanumap ni Roque sina Health Secretary Francisco Duque the Third, Interior and Local Government Undersecretary Eduardo Año, Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu at D.I.L.G. Assistant Secretary Alexander Macario.
Gayunman, aminado ang tagapagsalita ng palasyo na hindi pa siya nagbibitiw bilang kinatawan ng Kabayan Partylist sa Kamara.
Ipinaliwanag ni Roque na mayroon naman siyang “written appointment paper” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman ni tinukoy ng palace official ang dahilan ng panananatili bilang mambabatas habang kanyang nilinaw na wala siyang ginagawang pagbabanta sa sinasabing magiging kapalit niya sa Kabayan partylist na si Ciriaco Calalang.