Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Karen Jimeno bilang Undersecretary for Disaster Resiliency sa ilalim ng PMS o Presidential Management Staff.
Si Jimeno ay una nang nagsilbing Department of Public Works and Highways Undersecretary for Legal Affairs and Priority Projects sa loob ng mahigit isang taon sa ilalim ng Duterte administration.
Nagsilbi rin si Jimeno bilang spokesperson ng Aquino administration para sa rehabilitation efforts matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda noong november 2013.
Nakilala si Jimeno nang maging bahagi ng defense team at isa sa mga tagapagsalita ng yumaong dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial nito noong 2012.