Ipinagharap ng kasong libelo ni UST o University of Sto. Tomas faculty of civil law dean Nilo Divina si DWIZ Anchor Atty. Lorna Kapunan.
Ito’y may kinalaman sa mga hakbang ni Kapunan laban kay Divina kaugnay ng mga kasong hinahawakan nito tulad ng bangayan ng mag-asawang dating COMELEC Chief Andres at misis nitong si Pat Bautista.
Gayundin ang pagsasangkot ni Kapunan kay Divina sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III sa kamay ng Aegis Juris Fraternity kung saan isa sa mga miyembro nito ang UST Law Dean.
Inihain ng Divina Law Office ang unang reklamo laban kay Kapunan sa Manila Prosecutor’s Office hinggil sa anila’y pagyurak sa reputasyon ni Divina at sa opisina nito dahil sa inihain niyang disbarment case kasunod ng away ng mag-asawang Bautista.
Habang sa Quezon City prosecutor’s Office naman inihain ng kampo ni Divina ang libel case laban kay Kapunan kaugnay naman ng pagkaladkad umano nito kay Divina sa pagkamatay ni Atio sa hazing.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio