Nagbitiw na bilang Undersecretary for Disaster Resiliency ng Presidential Management Staff o PMS si Atty. Karen Jimeno.
Sa kanyang twitter post, sinabi ni Jimeno na nagbitiw siya sa pwesto noong Hulyo para ipagpatuloy ang kanyang master’s degree sa University of California Berkeley sa Estados Unidos.
Sinabi pa ni Jimeno, bago magbitiw sa pwesto ay kanya nang natapos ang tungkulin sa pagbuo ng Draft Disaster Bill na magtatatag ng Department of Disaster Resilience.
Si Jimeno ay nagbitiw sa pwesto, dalawang buwan lamang matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang disaster resiliency undersecretary.