Dumulog na si Atty. Larry Gadon sa Supreme Court matapos tanggihan ng Judicial and Bar Council na bigyan ng kopya ng resulta ng psychiatric test ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa tatlong pahinang Motion for Reconsideration na isinumite sa Clerk of Court ng Supreme Court En Banc, iginiit ni Gadon na hindi saklaw ng confidentiality rule ang resulta ng psychiatric test ni Sereno.
Ito’y dahil ang resulta ng pagsusuri ay bahagi anya ng proseso ng pagiging aplikante niya sa pinakamataas na posisyon sa hudikatura at may interes din anya sa issue na ito ang publiko.
Dahil dito, hinihiling ni Gadon na baligtarin ng En Banc ang ginawang pagtanggi ng JBC sa kanyang hiling at i-utos ang agarang pagpapalabas sa resulta ng psychiatric test ng punong mahistrado.
Ang JBC na pinamumunuan ni Sereno bilang ex-officio chairman ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Korte Suprema.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE