Hinamon ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo si National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago na bumalik sa law school.
Ito’y matapos magsampa ng kasong grave threats at inciting to sedition ng NBI laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa sinasabing pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Binigyang-diin ni Atty. Panelo na walang batayan ang rekomendasyon ng NBI.
Iginiit din ng dating Chief Presidential Legal Counsel na ito ay may bahid-pulitika at bahagi ng demolition job laban kay VP Sara para hindi ito makasali sa 2028 presidential elections.
Dagdag pa ni Atty. Panelo, sa halip aniya na pagdiskitahan ang pangalawang pangulo, tutukan na lamang ng nbi ang ibang bagay tulad ng pagpapatigil sa kriminalidad.
Nabatid na noong November 2024 ay sinabi ng Bise Presidente na sakaling may masamang mangyari sa kanya ay may inutusan na siyang papatay kina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. – Sa panulat ni John Riz Calata