Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Presidential Legal Counsel Attorney Salvador Panelo na bumiyahe sa South Korea upang iparating ang taus-pusong paghingi ng tawad sa South Korean government.
Sinabi ng Pangulo sa harap ng mga bagong nanumpang heneral ng Armed Forces of the Philippines na kailangang gawin ang paghingi ng paumanhin dahil nasaktan ang mga mamamayan ng South Korea sa sinapit ng negosyanteng si Jee Ick Joo na dinukot at pinatay ng mga tiwaling pulis.
Paulit-ulit na aniya siyang nagpaliwanag at humingi ng tawad sa bawat Koreanong nagtungo sa Palasyo pati na rin kay United States Ambassador to the Philippines Sung Kim na isang Koreano.
Pakinggan: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By: Avee Devierte / Aileen Taliping