Mananatiling tagapagsalita ng Commission on Elections si Law Department Director John Rex Laudiangco.
Batay ito sa Memorandum na nilagdaan ni Acting Comelec Chairperson Socorro Inting noong Hunyo a-10, na ipinalabas lamang ngayong araw.
Si Laudiangco ang nagsilbing spokesperson ng poll body sa panahon ng maikling panunungkulan ni dating Comelec chief Saidamen Pangarungan.