Kumpiyansa si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque sa maayos na paghawak ni Quezon City RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa kaso ng malagim na Maguindanao massacre.
Ayon kay Roque, ang tanging humahadlang lamang aniya sa mabilis na paghahatid ng katarungan sa mga biktima ng malagim na krimen ay ang bulok na sistema ng hudikatura.
Kaya umaasa si Roque na maging daan ang nasabing kaso para mailarga na ang mga isinusulong na pagbabago sa sistema ng katarungan sa bansa.
Kasunod nito, hinimok ni Roque ang publiko na samahan silang magbantay sa pag-usad ng kaso dahil tiyak aniyang maraming ginagawang delaying tactics ang mga abogado ng mga Ampatuan na siyang nasa likod ng krimen.