Nanindigan si dating presidential spokesman Harry Roque na hindi ito babalik ng pilipinas maliban na lamang kung ipag-u-utos ng korte suprema.
Ayon kay Atty. Roque, may karapatan pa rin siyang maglabas pasok ng bansa dahil wala itong hold-departure order at wala rin aniyang arrest warrant laban sa kanya.
Iginiit pa ng dating presidential spokesman na kung gusto ng Quad Committee ng hustisya para sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa iligal na POGO, magtungo aniya sila sa korte at kung may katanungan ang mga ito handa niya itong sagutin via zoom.
Aniya, magsusumite siya ng mga dokumento na hinihingi ng quad comm sakaling ipag-utos ito ng supreme court subalit nanindigan ito bilang abogado na tama siya at karapatan nya na manahimik hinggil sa isyu.
Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na personal na nagtungo si Roque at kanyang asawa sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi para sa notarial services na gagamiting dokumentaryo sa Pilipinas.
Si Roque ay nagsumite ng counter affidavit na naka-notarized sa UAE para sa inahaing reklamong qualified human trafficking laban sa kaniya na may kinalaman sa iligal POGO sa bansa.