Itatalaga ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Executive Secretary ang kaniyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez sa oras na maupo na siya sa puwesto bilang Pangulo.
Ito ang inanunsyo ni Marcos kasabay ng pag-alis ni Rodriguez sa kaniyang posisyon bilang tagapagsalita bilang paghahanda sa bago niyang trabaho.
Batay sa inilabas na pahayag ng kampo ni Marcos, maituturing kasi na “fiercely loyal” si Rodriguez.
Ikinagalak naman ni Rodriguez ang alok na puwesto sa kaniya ng susunod na administrasyon at nagpasalamat sa tiwalang ibinigay sa kaniya.
Samantala, sakaling makumpirma na, papalitan na ni Rodriguez si Salvador Medialdea na nanungkulan bilang Executive Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte.