Pinahintulutan nang makalaya ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.
Ito ay alinsunod sa inilabas na release order ng nasabing komite kung saan papayagan nang makalaya si Atty. Lopez matapos nitong isailalim sa medical examination.
Si Atty. Lopez ay kasalukuyang naka-admit sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa nararamdaman nitong acute stress disorder.
Nabatid na noong Nobyembre 20 ay inaprubahan ng komite na makulong ang OVP official matapos nitong sumulat sa Commission on Audit na huwag makipagtulungan sa Kamara kaugnay ng imbestigasyon ng confidential fund na ginastos ng Bise Presidente. – Sa panulat ni John Riz Calata