Wala pa ring plano ang Australia at New Zealand na luwagan ang travel restrictions at paghihigpit sa public gatherings sa kani-kanilang mga bansa sa kabila ng matagumpay nitong paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison, mukhang ilang linggo pa ang tatakbuhin ng kanilang lockdown bago ito aalisin.
Ayaw aniya nilang matulad sa Singapore at South Korea na muling tumaas ang bilang ng covid cases matapos tanggalin ang mga biyahe at iba pang restrictions.
Giit naman ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, sa ngayon ay hindi pa rin niya masasabi kung panalo na sila sa kanilang giyera kontra COVID-19.