Wala umanong masamang intensyon ang magkasintahang Aubrey Miles at Troy Montero sa ginawa nilang pag po-post ng kanilang larawan habang nakahubad sa social media.
Ayon kay Aubrey, nagandahan lamang siya sa tama ng ilaw habang siya ay nag–aalmusal kaya nagdesisyon siya na kuhanan ang sarili at i–post ito sa kanyang Instagram account.
Dagdag naman ni Troy, hindi niya alam na ipo-post ni Aubrey ang kanilang mga larawan at inakalang ito’y para lamang sa kanila lang dalawa.
Una nang naging usap-usapan sa social media ang mga post ni Aubrey at Troy habang nagbabakasyon sila sa Batangas.