Handang magpadala ng karagdagang puwersa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang bilangguan sa bansa partikular na sa Mindanao at Metro Manila.
Ito’y kasunod ng nangyaring jailbreak sa Cotabato City Jail kung saan pito ang kumpirmadong nasawi habang mahigit isandaan at limampu (150) ang nakatakas.
Kapwa inihayag nila AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo at PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos na handa silang tumugon sa panawagan ni Interior Secretary Mike Sueno upang tiyakin ang seguridad sa mga pangunahing bilangguan sa bansa.
Magugunitang inamin ni Sueno na malaking aral para sa kanila ang nangyaring jailbreak kaya’t sisikapin nilang hindi na ito mauulit pa sa mga susunod na panahon.
By Jaymark Dagala