Kumpirmadong wala si Aung San Suu Kyi sa listahan ng mga pagpipilian para maging Pangulo ng Myanmar.
Ito’y makaraang pangalanan na ng National League for Democracy ang dalawang kandidato nito sa pagka-pangulo na sina Htin Kyaw at Henry Van Thio.
Bigo si Suu Kyi na makumbnisi ang militar na kapalaran niyang pamunuan ang Myanmar bilang presidente.
Dahil lamang may mga British passport ang kanyang mga anak, bawal umanong kumandidato si Suu Kyi sa kabila ng malaking panalo nito sa eleksyon.
Gayunpaman, kumpiyansa si Suu Kyi na kahit hindi nito makuha ang titulo ng pagiging presidente ng Myammar, mapamumunuan niya pa rin ang bansa.
By Avee Devierte