Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang kauna-unahang bagyo sa bansa ngayong taon.
Ayon sa PAGASA, dakong alas-8 ng umaga kanina nang pumasok ang Tropical Depression Auring sa bahagi ng Mindanao.
Tinatayang kikilos ito sa direksyong kanluran o kanluran, timog-kanluran sa susunod na 12-oras.
Inaasahan naman itong tatama sa kalupaan sa bahagi ng Caraga Region sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga bilang isang Tropical Storm.
Samantala, ayon sa PAGASA, sa ngayon ay wala pang epekto ang naturang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.