Pinaghahanda ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga residente ng Aurora at Isabela sa mga posibleng maranasang malakas na hangin at ulang dala ng bagyong Jolina.
Inaasahan kasing tatama sa kalupaan ang bagyong Jolina sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-9:00 mamayang gabi.
Ayon pa sa PAGASA, kailangang paghandaan din ng mga residente sa naturang mga lalawigan ang posibleng paglikas.
Kasalukuyang malaking bahagi na ng Luzon ang mayroong nakataas na storm warning signal.
By Ralph Obina