Bumuo na ng hakbang ang Lokal na Pamahalaan ng Aurora sa pangunguna ni Governor Christian Noveras para masiguro ang kaligtasan ng kaniyang nasasakupan.
Ayon sa Gobernador, inaalam na ng mga otoridad ang mga prone areas para maiwasan ang anumang pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakadeploy narin ang mga otoridad na tututok sa pagresponde sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Karding.
Sa pahayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakikipag-ugnayan narin sila sa walong munisipyo sa lugar para sa paghahanda at kakailanganing mga kagamitang gagamitin sakaling makaranas ng pagbaha ang mga residente.
Sa ngayon, patuloy pang minomonitor ang mga baybaying dagat para sa posibleng epekto ng bagyo sa nabanggit na lugar.