Nananatiling naka-blue alert ang lalawigan ng Aurora dahil sa epekto ng bagyong Ramon.
Batay sa storm surge warning system ng Pagasa, nangangahulugan ang blue alert na may inaasahang storm surge o daluyong na umaabot sa isang metro ang taas sa ilang lugar sa lalawigan.
Maaari naman itong magdulot ng maliliit na pinsala sa mga ari-arian o pagbaha sa mga mababang lugar.
Gayunman, sinabi ng lokal na pamahalaan na hindi na sila magpapatupad pa ng preemptive evcuation dahil kanila na ring inaasahan ang unti-unting pagganda ng panahon.