Mahigpit na pinag-iingat ng gobyerno ng Australia ang kanilang mga mamamayan kasunod ng nangyaring pamamaril sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Batay sa advisory, pinapayuhan ang lahat ng Australian citizen na maging alerto bunsod ng malaking banta umano ng terorismo sa Pilipinas.
Maliban dito, pinaaalalahanan din ng Australia ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na sumunod sa mga ipinag-uutos ng mga kinauukulan at maging updated sa mga kaganapan sa bansa.
Una rito nagpalabas na rin ng travel advisory ang Estados Unidos kaugnay ng insidente sa Resorts World Manila.
By Ralph Obina
Australia at US naglabas ng advisory vs. Resorts World attack was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882