Mag-do-donate ang Australia ng 800,000 Australian dollars o 31 million pesos bilang humanitarian assistance para sa mga biktima ng bagyong Ompong.
Ayon kay Australian Foreign Minister Marise Payne, ipamamahagi ang donasyon sa pamamagitan Philippine Red Cross.
Kabilang sa ibibigay ay sleeping mats, kumot, hygiene at shelter kits para sa 25,000 katao na naapektuhan ng kalamidad.
Nag-deploy din aniya ang Australia ng humanitarian experts sa Pilipinas upang tumulong sa pag-assess sa pinsala ng bagyo.
—-