Maglulunsad ang Australia ng isang independent inquiry para imbestigahan ang nagpapatuloy na bushfire sa naturang bansa.
Ayon kay State Premier Gladys Berejiklian, ang 6 na buwang inquiry ay naglalayong alamin ang dahilan ng bushfire, paano ito pinaghandaaan at hinarap ng estado.
Aalamin din kung may kinalaman ang ilang factor tulad ng climate change, human activity at iba pa.
Sa huling tala, umabot na sa 25 ang nasawi sa naturang sunog habang libu–libong kabahayan at mga hayop ang natupok sa ilang buwan nang pagsiklab ng bushfire.