Magpapadala ng dalawang (2) military surveillance aircraft sa Pilipinas ang defense force ng Australia.
Ito ay upang tulungan ang mga sundalong Pinoy sa paglaban mga terorista sa Marawi City.
Ayon kay Australian Defense Minister Mariose Payne, malaking banta din sa seguridad at interes ng australia ang nangyayaring terorismo ngayon sa Mindanao.
Dahil dito, handa aniyang tumulong ang Australia hanggang sa mabawi ng gobyerno ng Pilipinas ang control sa Marawi.
By Ralph Obina
Australia magpapadala ng military surveillance aircraft sa Pinas was last modified: June 23rd, 2017 by DWIZ 882