Nakatakdang magpadala ang Australia ng kanilang mga sundalo sa Pilipinas para tumulong sa Armed Forces of the Philippines sa laban nito kontra Maute – ISIS Group sa Marawi City.
Pahayag ni Australian Defense Minister Marise Payne, patunay ang nasabing hakbang na ‘fully committed” sila sa pagbibigay ng suporta sa Pilipinas.
Gayunman , nilinaw ni Payne hindi isasabak sa giyera ang mga nasabing Australyanong sundalo kundi mananatili lamang ang mga ito sa kampo ng militar.
Sa ilalim ng napagkasunduang status of Visiting Forces Agreement , nagbigay ang Australia ng dalawang P3 Orion Surveillance planes sa AFP na siyang ginamit sa operasyon para tukuyin kung saan nagtatago ang mga terorista sa Marawi.
Samantala , hindi pa tiyak kung kailangan darating sa bansa ang pwersa ng mga sundalo mula sa Australia.