Handang magpadala ng kanilang tropa ang Australia para hasain ang mga Pilipinong sundalo sa paglaban sa terorismo.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mismong kay Australian Defense Minister Marise Payne nanggaling ang naturang alok bilang suporta sa Pilipinas na ikinagagalak naman ng pamahalaan.
Sinabi ni Lorenzana may mahabang panahon na ring mayroong military cooperation ang dalawang bansa.
Kapwa naniniwala ang Pilipinas at Australia na kailangan magkaroon ng pagtutulungan ang mga bansa para labanan ang anumang banta ng terorismo.
AR / DWIZ 882