Nagbigay ng 100 oxygen concentrators ang pamahalaan ng australia para makatulong sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.
Ito’y dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, 28 ng Agosto.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang naturang donasyon ay inanunsyo noong Agosto 23 sa Philippine-Australia ministerial meeting sa pagitan nina DFA Secretary Teodoro Locsin at Trade Secretary Ramon Lopez at mga counterparts nito.
Mababatid na ang naturang donasyon ay bahagi ng development policy ng Australia na tulungan ang mga partner countries nito sa kanilang pagtugon sa COVID-19.
Sa huli, umaasa si Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson na makatutulong ito sa Department of Health (DOH) para makatugon sa pangangailangan ng mga tinatanggap nitong pasyente.