Naglaan na ng tulong pinansyal ang Australian government para sa rehabilitasyon ng 277 public schools sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ang nabanggit na donasyon na nagkakahalaga ng P8.9 million peso development package ay bilang suporta sa 2016 Brigada Eskwela program sa rehiyon.
Ayon kay DepEd-ARMM Regional Secretary John Magno, saklaw din sa inilaang pondo ang mga madaris o islamic school.
Nagbigay din anya ang Australian government sa pamamagitan ng basic education assistance for Muslim Mindanao program ng mga mesa, silya, teaching guides at learning devices sa mga piling paaralan.
By Drew Nacino