Pinag-iingat ng Australia ang kanilang mga mamamayan na bumibiyahe patungong Pilipinas laban sa sakit na tigdas.
Ito ay kasunod ng kaso ng isang batang galing pilipinas na nahawaan ng tigdas at nakapasok sa Perth.
Gayundin ng pagdedeklara ng Department of Heath ng measles outbreak sa bansa.
Batay sa ulat ng National Epidemiology Bureau ng DOH, walang sakit ang nasabing bata nang umalis ng bansa noong Enero 28 at nakitaan na lamang ng sintomas ng tigdas pagdating Australia.