Nagpalabas ng travel advisory ang Australia dahil sa posibleng pag-atake sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon sa Australian Department of Foreign Affairs and Trade, nakatanggap sila ng ulat na may pinaplanong pag-atake ang mga teroristang ISIS sa nasabing syudad.
Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga Australyano sa naturang bansa dahil posibleng targetin ang mga ito o ang mga lugar na madalas nilang pinupuntahan.
Nito lamang nakalipas na buwan, naaresto ng Malaysian authorities ang pitong mga miyembro ng Islamic State na sinasabing may planong maghasik ng karahasan sa bansa.
By Rianne Briones
Photo Credit: AP