Naglabas na rin ng travel advisory ang Australia para sa mga mamamayan nito kaugnay sa pagbiyahe sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ito’y matapos mag-isyu ng kaparehong abiso ang United Kingdom bunsod umano ng terror activitiy at kidnapping sa rehiyon.
Batay sa abisong inilabas ng Department of Foreign Affairs and Trade ng Australia pinaiiwas nito ang kanilang mamamayan na magtungo sa central at western Mindanao kabilang na ang Zamboanga Peninsula, Sulu archipelago at Southern Sulu Sea area.
Sa kabuuan, pinayuhan din ang australiano na magingat sa pagbyahe sa Pilipinas.
Magugunitang nagkaroon ng pagsabog sa Cotabato City nuong Disyembre 31 na kumitil ng dalawa katao.