Iwasan munang tumungo sa Pilipinas dahil sa matinding banta ng terorismo.
Ito ang babala ng pamahalaang Australia sa kanilang mamamayan sa pamamagitan ng inilabas nitong travel advisory.
Batay sa abiso, binalaan nito ang kanilang citizens na huwag munang bumiyahe patungo sa Pilipinas dahil sa “high threat” ng terrorist attack, kabilang ang Maynila na siyang kabisera nito.
Maliban dito, ang mga Australian naman na kasalukuyan nang nasa bansa ay pinaiiwas sa pagbiyahe sa Central, Eastern at Western Mindanao dahil pa rin sa mataas na banta ng kidnapping, terrorist attacks at bakbakan ng mga armadong grupo.