Inalerto ngayon ang mga mamamayan ng Australia hinggil sa posibleng thunderstorm asthma outbreak.
Ito ay dahil sa mga inaasahang pag-ulan at malakas na hanging maaaring mag-trigger ng asthma attack dulot ng mga pollen sa halaman.
Matatandaang noong nakaraang taon, aabot sa siyam ang nasawi dahil sa hirap sa paghinga dahil sa asthma attack.
Maliban dito, nasa mahigit 8,000 din ang kinailangan ng atensyong medikal kaya’t nagkaroon na ang Australia ng mekanismo upang balaan ang publiko ukol dito.
—-