Naitala na sa Australia ang ikalawang buntis na nagpositibo sa zika virus.
Ayon kay Health Minister Jill Hennessy, taga-Queensland ang naturang pasyente.
Nilinaw naman ng opisyal na nakuha ng babae ang zika virus nang magtungo ito sa ibang bansa kayat wala aniyang bantang pangkalusugan ito sa kanilang banta.
Una rito, isang taga Victoria na buntis ang nagpositibo din sa zika virus makaraang bumiyahe sa ibang bansa.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring gamot kontra zika virus na nakapagdulot ng deformities sa mga ipinagbubuntis na sanggol.
By Ralph Obina