Magbibigay ng 2 milyong Australian dollars o katumbas ng 67 milyong piso ang pamahalaan ng Australia sa Pilipinas.
Ito’y bilang suporta sa kampaniya ng pamahalaan ng Pilipinas sa pagsugpo sa online child pornography.
Ayon kay Australian Foreign Minister Julie Bishop, layunin nitong bigyan ng mas ligtas na online environment ang mga kabataang Pilipino.
Sinabi rin ng opisyal na tutulung sila sa rapid reaction team na tututok sa mas epektibong imbestigasyon, prosekusyon at pagbibigay tulong sa mga biktima ng online abuse.
Lumalabas sa mga datos na nangunguna ang Cebu sa mga lugar sa Pilipinas na may pinakamataas na insidente ng mga online child pornography sa mundo.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)