Nangako ng 40 Milyong Dolyar na tulong ang gobyerno ng Australia para sa peace process sa anim na taong termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ginanap na pulong nina Pangulong Duterte at Australian Foreign Minister Julie Bishop sa Panacan, Davao City, napag-usapan nila ang isyu ng Terorismo at Extremism gayundin ang pamimirata sa karagatan.
Tiniyak ng Pilipinas at Australia ang pagtutulungan para sa kaligtasan ng mga barkong dumaraan sa karagatang bahagi ng Mindanao.
Samantala, ipinaabot ni Pangulong Duterte ang interes na matutunan ang responsableng pagmimina sa Australia na tinugunan naman ni Bishop sa pagsasabing handa ang kanilang gobyerno na ibahagi ang kakayahan para sa mas maayos at responsableng pangangalaga sa mineral at energy resources.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping