Inabisuhan ng Australia ang kanilang nationals sa Pilipinas na mag-ingat sa pagsu-swimming sa coastal areas.
Ayon sa Australian government, maraming dayuhan ang nalulunod sa pagsu-swimming sa coastal areas kahit pa sa mga kilalang resorts dahil sa undercurrents o nakakatakot na daloy ng tubig.
Bukod dito, sinabi ng Australian government na malaking factor din ang polusyon na nagdadala ng sakit sa mga swimmer.
Dahil dito, pinayuhan ng gobyerno ng Australia ang kanilang nationals na ikonsulta muna sa local authorities kung ligtas at malinis ang tubig bago mag-swimming.
By Judith Larino