Tiwala ang Australia na ibabalik din sa lalong madaling panahon ng Indonesia ang military ties nito sa kanilang bansa.
Ito ay makaraang supendihin kahapon ng Indonesia ang military cooperation nito sa Australia.
Ayon kay Australian Defense Minister Marise Payne, magsasagawa sila ng inquiry ukol sa naturang insidente.
Umaasa ang opisyal na anuman ang kalalabasan ng imbestigasyon ay mapag-uusapan ng Australia at Indonesia ang mga hakbang upang maibalik ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
By Ralph Obina