Pasok na ang Australian authorities sa imbestigasyon laban kay Marilou Danley, ang partner ng suspek sa shooting rampage sa Las Vegas.
Ayon sa ulat ng Australian Broadcasting Corporation, naging Australian citizen si Danley matapos na manirahan at makasal sa isang lokal sa Gold Coast sa Queensland noong late 80’s.
Sinabi naman ni Assistant Federal Police Commissioner Andrew Colin, maari pa ring bigyan ng consular assistance si Danley dahil sa pagiging citizen nito.
Aniya, sa ngayon ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang counterpart sa sa Amerika.
Samantala, bigo pa ring matukoy ng US o United States authorities ang motibo ng suspek na si Stephen Paddock sa pamamaril nito Las Vegas, Nevada.
Ayon kay Las Vegas Metropolitan Police Department Undersheriff Kevin Mcmanhill, wala pang malinaw na rason kung bakit ginawa ni Paddock ang pamamaril sa mga isang party kung saan halos 60 ang nasawi.
Patuloy din aniya ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad para tukuyin kung may basehan ang naging pag-ako ng ISIS sa naturang pamamaril.
_____