Posibleng si Australian boxer Jeff Horn ang unang makatutunggali ni 8-division World Champion Manny Pacquiao ngayong 2017.
Ayon sa ulat, nakatakdang magtungo sa Los Angeles ang co-promoter ni Horn na si Dean Lonergan para kausapin si Bob Arum na siyang kinatawan naman ni Pacquiao.
May kinalaman ito sa mechanics ng world boxing organization welterweight title bout na gaganapin sa Australia.
Sinasabing maisasapinal ang naturang pag-uusap bago matapos ang linggong ito.
Posible ang Pacquiao-Horn fight sa Abril 23.
By Meann Tanbio